Wednesday, June 25, 2008

Update

(habang puno ang shop) ^^

My 19th post.

Hi. Tagalog muna!! Uhm, 1 week. Eto, hopefully matapos ko ang post na to. Medyo magiging mahaba ang isang to. Pero ok lang. Alam ko namang walang magbabasa nito. Kaya smile lang. :)

Madami-dami ding nangari sa 1 week kung hindi pagu-update. Siguro sisimulan ko na lang ngayon. Pa backwards tayo ngayon.

The art of living is more like wrestling than dancing.


June 25:
Kanina.

Sobrang napagod ako. Nagsipag ako kanina. Kasi may "toyo", "praning" at "nababaliw" daw ako last night. O? E ano naman?! Naglinis-linis ako ng room ko kanina for a change lang. Tapos nag laba ako ng damit ko.. (yesssssssss totoo po yun) Oha. Oha. San ka pa? Naglalaba ang nilalang na hindi marunong mag laba.. Ok lang! Bti my washing machine naman. Ang sakit sa likod.
*Wish* Sana one day. Magising ako na marunong na kung mag laba ng maayos at mamalantsa ng maayos. Huh! Para sa future ko din yun di ba? Uhhh.. Hindi bale sana kung si Future Hubby ko e papayag na ipag laba at ipag plantsa ako.. Huwow! (uhm, palagay ko naman kaya nyang gawin yun) :)

June 24:
Bday ngayon ni Baboy.

Obviously walang pakalampag. (haha) Pero ok lang. Eto pa naman yung araw na feel na feel kung tumoma.. As in lasingin nyo ko today please lang. Ewan ko pero tinoyo ako ng sobra ngayon.


"well.. its hard to EXPLAIN but i'll try if you let me"



Selos mode?! Yun yata ang mas tamang word no? Argh.

Nag slurpee, spag at donut ako. Kala ko matatanggal nun ang yamot ko. Hindi naman pala. I tried to fake a smile. Pero obvious pa rin pala. Kahit sarili ko ndi ko ma convince na "everythings gonna be fine".. "Hell no". ... So sobrang late ako natulog at gusto kung awayin lahat ng taong eepal ngayon. Footek!

June 23:
Maaraw na bagyo.

Disconnected hanggang 10am. Ayun.. Buti nagka kuryente. Sarap ng tulog ko. Walang pasok ang mga pasaway na bata. Ayan!! Friday, Saturday and Sunday. Ang inaanak ko ngayon lang nag punta dito para pag balutin ako ng books and notebooks nya. ABA!! Kamusta naman ang job na to??
Trivia ba ang gusto nyo??

Alam nyo bang naka tapos ako hanggang College na wala akong nabalutang sarili kung notebook or books? Yeah. Can't believe nga na natutunan ko yung bagay na yun e. Too late ba?? Hindi naman siguro kasi since nag High School yata si Din-din eh natulungan ko na syang mag balot ng books nya. Oww yea. (Cool)

June 22:
Bagyo.

Ayan. Kaninang madaling araw kalakas ng hangin.. Biglang umulan. Bagyo na to!

Ka text ko si Joskie. 8am na daw sya nakatulog dahil natakot sya. Oo nga. Ako din eh. Kala ko naman kasi liliparin ang bubong ng bahay nila Arbie (childhood friend). Walang ilaw pero ok lang ako. Salamat sa Cellphone dahil may ka text pa ko. (At may flash light si Chilo) At salamat din dahil may charge ako. O diba? Girl scout e. Ano pa? Woohooo. Lamig-lamig kahit walang kuryente sarap ng may ka-hug. Sayang you'r not here. Awww. Napa Angels Cry tuloy ako. :(

June 21:
Tensionado or Tensionada?!

Ah ewan! Kahit ano na lang. Grabe! Meet his mother. Yhie's version.

Ang aga ko nagising ng day na to. Aww. 1st day pa ng period ko. (bloody hell) Wrong timing naman. Kinakabahan na nga ako nasakit pa ang kaluluwa ko. (hahaha kaluluwa ang tawag ko sa puson ko pag nasakit e woooooo)

Ayun pagka lipas ng ilang sandaling taguan.. Nagpakita na din ako kay Tita Lolit. (Nanay naks!)


Sa Megamall.

Tita: Nakita na nga kita kanina e pag pasok mo. Kaya lang bigla kang nawala.
Yhie: Ah opo. Kasi po dun ko po kayo hinahanap sa kabila... Bababa pa nga po ako dapat. (Ew, kinakabahan po ako sa totoo lang) Sabay mano. (kunwari magalang na bata ako!! Nars ehh ehh ahahaha)
Tita: Malayo-layo din pala ang sa inyo no?
Yhie: Uhm, ah.. Hindi naman po. Ahh.. Sorry sorry po talaga kung natagalan ako.
Tita: Hindi. Ok lang naman.
Yhie: Naku! Lunch na po oh. Pasensya na po talaga. Gutom na po kayo.. Panigurado. San nyo po gusto??
Tita: Mag CR muna tayo??
Yhie: (sabi ko nga eh) (mukha naman syang mabait.. chaka.. ok naman sya.. oo.oo.. looks can be deceiving pero mukha namang hindi sya yung tipong magsu-sungit balang araw sakin. hahaha


ayun na nga.. kwentuhan galore ano pa nga ba? di ba?

Pag hatid ko kay Tita sa MRT-Ortigas. Aww, biglang umambon... Umulan na nga ng malakas.. Blessing ba to ha Lord? Ok. K. Fine! Mabait daw kasi akong bata.. At maganda pa?? Ohh.. May aangal ba?! HOwell..

Haha. Siguro dahil sa Red Ribbon cake kaya nag mukha akung mabait at maganda.. (Juk lang Tita)

Uhm, Chocolate Cake un pero Full ung binili ko. Parang ganito lang. Haha


June 20:
Kabado.

Kinakabog lang ako ng araw na to. Iniisip ko ng paulit-ulit.. Meet his mom na to!!! Waaaa. Forever na ba ang kasunod?! Ok. Ok.

Ok lang ako. Smile lang Yhie. Sabi ko matutulog ako ng maaga. Para prepared talaga ko. Pero wala. Walang napala ang plan ko. Siguro hindi naman talaga ako dapat kabahan e. Nd ba? Wala trip ko lang. Haha

June 19:
Kalmado pa.

One fine day. Gusto kung i-share yung mga Video's ko. && yung mga MV's na super nagpapakilig sakin. :)


1st time kong maka pag publish ng MV from 1True at eto ang unang banat:

VIOLA!!! insert na..


Eto naman... Gawa ng Best Bud ko.. May permission nya ang pag post ko nito.

awww, U have STOLEN my.. <3


Grey's Adiks.(Meredith and Derek) Check this one.

Whats Left of Me


First Time


Eto. Last MV muna for now. Hehe.. Tribute sa walang kwentang X.

Kismet

No comments: