Sunday, September 21, 2008

2 days from now...

September 21, 2008



Pasensya na sa lahat ng mga fans ko dyan (feeling). Hindi naman sa ngayon lang ako nagka-time. Pero ngayon ko lang din gustong sundan ang post ko.. Na miss ko na mag blog. Lately, napapansin kung ang dami ko yatang na mi-miss.. Hmmm.

Nami-miss list:

1. Nami-miss ko ng manuod ng T.V. (lagi kasing movie marathon)
2. Nami-miss ko na ang slurpee at donut na walang kamatayan.
3. Nami-miss ko ng kumain ng pasta.
4. Nami-miss ko ng magpa-manicure pedicure. (sobrang dead na ng nails ko)
5. Nami-miss ko ng mag swimming. (Sayang.. Makaka swim na sana kahapon sa Condo)
6. Nami-miss ko yung tinapay na maanghang sa Bread Talk. (Ala kasi kaming nabili kahapon)
7. Nami-miss ko ng tumoma. (Tumoma = Mag-inom ng alak) XD
8. Nami-miss ko na yung OL friends ko.
9. Nami-miss ko na yung amuy ng Sinehan.
at higit sa lahat...
10. Nami-miss ko na si BEST BUD ever. (malapit pa naman ang Birthday nya)

* * * * * * * *

Alam nyo ba?? Medyo marami-rami din ang nangyari sakin e. Share ko na rin. Etong month na 'to...

1. Nag apply kami ni Daisy as Pharmacist sa Generika. (ok naman.. kaya lang for follow up pa)
2. Ni-reject ko yung application ko sa Riyadh, Saudi Arabia as a Nurse. (dahil ayaw ng Bf ko)
3. Hanggang ngayon tuloy wala akong mahanap na trabaho sa Pinas. :(
4. Nag 5th Monthsary kami ni Dadee Bhie nung Sept. 13
5. Medyo na asar yata sakin ang Mommy ng Bf ko. (tampurorot lang naman)
6. Isang araw akung nagkulong sa loob ng kwarto ko. (tinoyo ako eh)
7. Si Daisy ba naman.. Ano na!!!!
8. Yesterday... Super malling galore kami nila Ate.. (P 1,199.00 - Top's from Kamiseta) deYm
9. Ang dami ko yatang new things na color "Green" (berde madness??)
10. Lumalakas na ko kumain.. =)
11. After howmany years? Nakasulat ako uli sa isang greeting card.. Ipinadala ko kay Bf.
12. First time kung may pinadalhan.. Phil. to KSA. <3
13. Sumosobra na ang pagma-mahal ko kay Bf. (wooooooh!) XIII

* * * * * * * *

Movie Marathon ba kamo? Eto po yung mga list ng Movies na napanuod ko this September. Movie-movie baby

1. Zsazsa Zaturhna
2. Ikaw pa rin.. (Bongga ka Boy)
3. Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros
4. Kungfu Dunk (3 hits) Recomended
5. Love Undercover Recomended
6. Matakot ka sa Karma
7. Bahay Kubo Recomended
8. Caregiver Recomended
9. What Happens in Vegas (2 hits) Recomended
10. My Sassy Girl (U.S. Remake) Booooooo!!! ='(
11. Hulk (2003)
12. Desperadas
13. My Monster Mom

(** Hits means kung ilang beses ko sya pinanuod ngayong Month lang huh)

Mostly ng mga pinanuod ko ngayon.. Tagalog!! Kasi naman mabilis mag buffer sa Crunchyroll kesa sa BedroomTK haha or sa Movies Net kaya ayun. E sa Crunchyroll po kasi.. Korean, Chinese, Japanese at Tagalog Movies lang.. Kaya ayun po!


Oo nga pala.. Wish ko lang po!! I try nyo yung Kungfu Dunk!! Haha.. Pero wag nyong aagawin sakin si Jay Chou huh. Hahaha




* * * * * * * *
at Two days from now.. Magbe-BIRTHDAY na ang Luvs na Luvs kung
BOYFRIEND 14344 =)
Belated Happy Birthday!!!
Dadee Hubby Bhie

Wednesday, September 3, 2008

Kabataang Pinoy.. Pagbutihan mo!


Aldrin's Oat Taking at Muntinlupa City Hall

There is no such thing as coincidence. For me.. Everything happens for a reason.

I supposed to post this video at Youtube sana e. Actually, inedit ko muna to sa Movie Maker e.. Hilagyan ko ng konting presentation. Suddenly na corrupt yung Movie at ang resulta hindi ko nagustuhan.. Hehe.. To sum it up. Naunahan pa kong i-post ni Andrei ang Video na to sa blog nya. To think na ako ang nag lagay nito sa PC. XD

Anyways, were just soooo proud to Mayor Aldrin lang. :) Naalala ko tuloy yung batang nakatira sa gilid ng Complex na matyagang nagpupunta kay Aldrin para sabihing.. "Mayor.. Penge naman ng tinapay" comes from a lips of an angel.. natupad naman (mga 7 years old lang yata yung bata na yun)... At ayun natatawa naman ako dahil kahit nakukulitan na sya e.. Binibigyan nya pa rin yung bata kahit paano. At meron pang kasunod na line na.. "Hindi ako si Mayor.. Si Mayor nandun sa Munisipyo" :D

Eh ano naman sya ngayon diba?? Sa labas ng bahay namin.. May napakalaking streamer na "THE PRIDE OF MUNTINLUPA" Congratulations... SK. Kgd. Aldrin Jan Evangelista - Little Mayor of Muntinlupa.. Awww!! Aja. Aja. Aja :D

*************

Aldrin - "Un nga".. Muntinlupa sulong tayo! Kabataan sulong tayo!
Muntinlupa may disiplina. Nagkakaisa...