Tuesday, August 26, 2008

sorry na Ezo

si Ezo ang PC.


Sa mga hindi na kaka kilala kay Ezo. Si Ezo po ay ang pinakamamahal kung PC. Actually sya ang server na PC dito sa shop. Sya ang kapiling ko umulan man o umaraw. :) Minsan pag wala akong makausap sya ang nag papa saya sakin pag meron moment na napaka idle ko na. (Bhie, kung mababasa mo 'to.. don't worry ha.. kasi hindi naman dun kasama ang pag-cha-chat e)

Nung isang araw nagkaron nanaman ako ng kasalanan kay Ezo. Ewan ko kung kasalanan yun or siguro sobrang protective ko lang sa kanya.. Kaya minsan ako na rin ang nakakasakit sa kanya. Siguro nga na iirita ka na sakin minsan. Naiinis ka na sa mga pindot at kalikot ko sayo. LOLS
Pero Ezo. Mahal kita (haha)

Hindi ko naman masisi ang pesteng Worm na un o yung pesteng spyware na un.. Grabe!! Na deds ko na nga yung mga noob na yun nag tampo ka pa.. Kasi naman.. Gusto ko lagi kang malinis. Ayokong may pakalat-kalat sayo. Kaya ayon. Ang importanteng .dll files napagkamalan kong kalat. At pag restart ko sayo... Bigla mo na lang akong sinabihan ng "press ctrl+alt+delete to restart" na hurt naman ako nung mabasa ko un Ezo. Kaya kahit kumakain ako ng mga oras na yun.. Ibinaba ko yung mangkok at hinanapan ka ng cure. Kaya lang sa sobrang tampo mo.. Pati yugn mga tropa mong PC 1 - 10, pina tabla mo ko. Biruin mo ba naman na nawalan ng connection. Nung hahanapin ko na kung ano yung sinasabi mong NTLDR na nawawala sayo. Ikaw talaga tampuhin ka. Minsan hindi ko malaman sayo kung ano ang drama mo. Mas maarte ka pa sa boyfriend ko e. Haha.

Hayaan mo na. Siguro naman ngayon masaya ka. Kasi astigin ang desktop mo. Hayaan mo hindi ko muna papalitan yan. Kasi pag yan ang desktop. Masculine na masculine ka e no?? Gusto mo ba yang ganyan ka lang?? Haha.. O sige ganyan muna ha. Sabi sakin ni Aldrin kanina "Ta Yoyie, gumawa ka naman ng bagong logo ng Maxlan.. Wag mu munang palitan yung nasa server.. pang bata naman kasi yung logo e"

Ok fine. Sige na Ezo igagawa kita ng bagong desktop huh.. Wait lang kayo. Chaka.. Tabatchoi na Aldrin.. Yung logo na yun ginamit lang nmn para sa t-shirt yun e.. Hussh na huh. LOLz.. Quiet ka na dyan! Nag date ka naman kanina e.

Teka, obvious bang wala akong ibang ma i-share?? Uhm, ok lang naman din yun diba? Atleast nalaman nyo na pati si Ezo. Eh minamahal ko. :)




P.S.
Namimiss ko ng sobra ang boyfriend ko.
Mabuti na lang meron akong Video Clip
nya sa cam ko. Pag na mi-miss ko sya
tinitignan ko na lang yun. Haizzz
I LOVE YOU HUBBY BHIE : )



14 - Silent Sanctuary
Chorus:
Ikaw lang ang nais kong makasama
Wala na kong gusto pang balikan
Kahit ako'y papiliin ikaw ay umasang
Gusto kong makapiling

No comments: